Skip navigation

Matagal-tagal na rin simula ng ako’y huling naglahad tungkol sa mga bagay-bagay. Ngayon, nais ko namang ibaling ang atensyon mo sa bagay nasa palagay ko’y pamilyar sa yo. Ang isang porma ng sining na tinatawag nilang “musika”.

Ano nga ba ang bumabalot sa musikang iyong napapakinig?

Ano ang tinataglay nito?

Ang musika nga naman,..at ang nagagawa nito sa nakakapakinig..

Matagal ng panahon simula ng dumating ang musika sa buhay ng tao.

Kung ang “painting” ay sining na iyong nakikita, ang “musika” ay sining na iyong naririnig at ang tunog ang media nito.

Naalala ko tuloy ang bokalista ng isa sa paborito kong banda. Ayon sa kanya,

“Napakahiwaga ng musika kung paano ito nakagagamot, nakapagpapagalaw o nakakapagpalaya ng tao mula sa kanilang kapighatian.”

Bata palang ako, ladlad na ang kamalayan ko sa malawak na kaparangan ng musika.Lumaki ako kaunabay ang ito.

Alam mo ba ang sikretong bumabalot sa dito?..

Napakaraming deskripsyon ng musika. Alam mo bang ang musika ay parang pag-ibig?

Alam mo bang ito ay bingi?

Sariwa pa sa akin ang kataga ng isang kaibigan ukol sa musika,

“Ang musika ay bingi tulad ng pag-ibig na kung ituring ay bulag”.

Nagtataka ka ba kung bakit may musika na di mo gusto na nag-aanyong ingay sa iyo?

Ayon sa ibang musikologo, walang makapag-iisa ng kahulugan nito at makapagbuod ng musika bilang isang konsepto sa kung ano ito dahil tumunog ang musika kasaliw ang oras.

Kung iyong susuriin, ang musika ay parang kawalan, kawalan ng kamayroonan. Sa pamamagitan nito, naiibsan(soothes) ang ating nararamdaman tulad na lang ng kaligayahan, kalungkutan, galit, poot at kung anumang ating sinasaloob.

Ang musika ay di na nalalayo sa kung paano mo binababasa ang paglalahad kong ito. Gaya na lang sa kung paano mo pinakikinggan ang isang awit o kanta habang ito ay tumutunog at napapakinggan ng iyong tenga.

Ituring mo na lang ako na kompositor ng kantang pinapangkinggan mo sa kaanyuang paglalahad na binabasa mo ngayon,

Nagustuhan mo ba ang aking komposisyon?..

Alam mo bang ang musika ay produkto ng kawalan?

ng katahimikan?

ng kaingayan?

Mula sa kaisipang humihimig, damdaming umuugong, salitang kinakanta, bagay na pinukpukpok na nagbibigay ng tunog, hanggang sa instrumentong hinihipan, mga kwerdas na tinitipa,.ang musika ay binubuo at nabuo mula sa kabaliwan ng tao.

Ang kauurian o “genre” ng musika ay nakadepende sa uri ng gumagawa at nakakapakinig hanggang sa iba’t ibang baryeysyon pa nito.

Hinahangaan ko ang mga nasa likod ng musika mula sa sinaunang panahon, Midyibal, Renaissance , Baroque, Klasikal, Romantic Era hanggang sa modernong panahon sa kaurian nito sa iba’t ibang parte ng mundo.

Hindi na mabilang ang premyadong tao sa larangan ng musika ilan lang dito ay sina Bach, Handel, Hadyn, Mozart, Beethoven, Schubert, Tchaikovsky, Mahler, Stravinsky, Schoenberg at iba pang bantog sa larangang ito hanggang sa pinaka-kamodernuhan nito patuloy sa nagkatha ng paborito mong kanta o awit.

Ano ba ang mga tipo mong musika? Alam mo bang sinasalamin din nito kung ano ka?

Subukan mo ito(Gawin mo na di niya nababatid). Sa “music player” o sa “ipod” ng kakilala mo suriin mo kung ano ang mga kanta sa direktoryo nito at may makikita kang “relevance” sa kung ano ang may ari nito. O kaya naman ay itanong mo ang mga paborito niyang kanta. (Ngayon may alam ka na tungkol sa pagbasa ng tao, sikreto lang natin ito ha).

Alam mo ba kung bakit posible nasa pamamagitan ng musika ay malalaman mo ang isinasaloob ng tao?

Ito ay dahil sa ang musika ay umaakto sa tao at ang tao ay umaakto dito. Sabi ng iba, ang musika ay ang pagkain ng kaluluwa.

Batid mo ba na ang musika ay hindi lang nabubuo sa pamamagitan ng musikal na instrumento o ng musikal na tao at hindi ito basta nagtatapos doon?.. Maging ang musika ay mismong bumubuo ng instrumento na maski ang tao ay kayang buuin nito.

Ipinagtataka mo ba kung bakit may mga kumikita sa musika at nagiging maimpluwensya dahil dito?

Tulad na lang sa eleksyon, sa pagkain, sa mga produkto, sa tao at sa iba’t iba pang bagay na nalalaman mo na umiimpluwensya sa iyo.

Maraming ng tao ang sumikat dahil sa musika. Kagaya na lang ng mga banda at artistang kinababaliwan mo ngayon. Mga produkto na naging mabili dahil sa jinggle nito. Pelikula na mas naging “makatotohanan” dahil sa tunog na pumapalikod dito. Kantang naging inspirasyon sa iba’t ibang pagtingin dito.


Natatawa ako kung paano pinapaikot ng musika ang mundo sa kung paano ng tao pinapaikot ang sarili niya dito.

Talagang nakakamangha na ang musika ay kayang baguhin ang ating mundo,..

About these ads

One Comment

  1. ang daya m.. :)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: