Skip navigation

Category Archives: Nationalism

Sinu-sino at anu-ano nga ba ang bumubuo, bubuo at nabuo sa akin?

Nagtataka ka ba kung bakit ako ganito?Kung bakit ganun na lamang ang aking mga pahayag at inilalahad maging ang aking mga kinikilos?

Oo, ako..na iyong nababasa, ako na iyong nakikita, ako na iyong napapakinig…ako na hindi parte mo!

Alam mo ba ang dahilan?..

Ang dahilan ko ay IKAW!!

Ikaw, na laging humahamak sa akin..

Ikaw na pilit pumapaimbabaw!..

Ikaw na ayaw magbigay ng puwang sa akin!..

Alam mo ba na sa iyo ako nagbabase nasa akin ko inaakto?

Naaalala mo pa ba ang mga sakit na naidulot mo?

Ang mga latay ng palo na bumabakat sa bawat haplit ng sinturon mo san man ng parte ng katawan ko tumama?

Sa bawat langgam na kumagat sa aking paanan kung saan iginapos mo ako?

Sa oras na lumilipas habang ako’y nakaluhod sa asin na iyong kinalat sa sahig?

Ang pambubusal mo sa aking bibig na nais umimik at gustong marinig mo?

Naaalala mo pa ba kung paano mo ako pinarurusahan?

Ang mundo mong ginawa kung saan ako ngayo’y nakakulong at di makaalpas?

Alam mo bang ikaw ang pumukaw sa aking damdamin. Sa bawat tamis at pait mong naidudulot.

Bakit ba di kita magapi?

Bakit ba di tayo magkasundo?

Nakanino ba ang problema kung ganun?

Nasa iyo o nasa akin ang problema?

Sino ba ang dapat masunod?

Pwedeng bang ako at di ikaw?at bakit kung hindi ako bakit di ka pwede?


Bakit ba di mo ko matanggap?
Maging ikaw ay di ko rin makuhang tanggapin?

Hindi mo ako maintindihan ngunit bakit gusto mong intindihin kita?

Kung sinasabi mong makasarili ako bakit ang sarili mong kagustuhan ang gusto mong masunod?

Alam mo bang nabubuhay din ako?



Kung ikaw ay may lugar sa mundong ito bakit ayaw mo kong magkaroon?

Hindi ba’t maganda ang tingin mo sa sarili mo bakit ako ay pangit sayo?

Alam mo bang ang pagbabago ko ay nagsisimula sa hindi mo pagbabago?

Kinamumuhian mo ba ako, maalala mo sanang ako ang nagbibigay kaibahan sa kinagugustuhan mo at kaparehuhan sa kinapopootan mo.

Kung may kakayahan akong gawin ang mali hindi ba’t may kakayahan din akong gawin ang tama ngunit bakit hindi mo matanggap na kung ako ay nakagagawa ng tama may kakayahan akong gumawa ng mali na pwede ko ding gawin?

Bakit ba “ako” kung pwedeng “ikaw” at kung pwedeng ” ikaw”, bakit di pwedeng “ako”?

At kung ” ikaw” lang , bakit di pwedeng “ako” lang? gayong ikaw ay isa ring “ako” at “ikaw” ay ako sayo?

Gusto kitang paniwalain kaya lang nasa iyo ang pagtitiwala sa akin,.kaya maging anu man ang paniwalaan mo nasa sa iyo yun..
For World Domination or Being A Dominion?

Pagtinanong kita tungkol sa kalagayan ng Pilipinas ano ang masasabi mo?

Ipinagmamalaki mo ba na Filipino ka o ikinakahiya mo ito?

Ano ba ang tingin mo sa Pilipinas?

Gumagawa ka ba ng paraan para sa ikaaangat nito o sa lalong ikalulubog nito?

Inaanyayahan kitang basahin ang aking maikling paglalahad at pumili na din sa tanong na kung di mo man ngayon sagutin o masagot ito ay magiging resulta na din ng iyong mga ginagawa kumbinasyon na din sa ibang katulad mo batid man nila ito o hindi.

Hayaan mong itampok ko muna sa iyo ang kasaysayan ng Pilipinas bago tayo dumako sa pinakapunto ng paglalahad kong ito.

Napakatagal ng panahon simula ng madiskubre ng mundo ang Pilipinas at napakasaklap pa ng pagkakakilala dito. ( pangalan pa lang, “Philip-pinas”)

Kung maaalala mo pa nga sa asignaturang “Kasaysayan” (Histgov, Hekasi, Philhis, at marami pang bariyeysyon), pinangalanan ng kumag na si Villalo(Bo)bos ang Pilipinas ayon sa kanyang hari na di naman nila pag-aari ang lupaing ito kung saan may mga tao na at meron ng pamumuno sa lugar.

Di nagtagal ang pangalang Pilipinas ay nagbago(na tunay na bobo pa rin), “Republika Filipina” sa kasagsagan ng Rebolusyon dito, mula sa away Espanya at Amerika hanggang sa Komonwelt kinilala tayo ngunit hanggang ngayon Philip-pinas.

Matanong kita, gusto mo bang ipangalan kita sa aso ko?

Kung kaya mo bang pangalanan ang sarili mo hahayaan mo pa bang pangalanan kita?

Ipagpalagay na natin na kapangalan mo na ang aso, magpapakaaso ka ba?

Hindi na nakakapagtaka kung bakit ganito ang Pilipinas. Simula pa lang ang pangit na. Ayos na ba sa iyo ang kalagayang ito?

Gumagawa ka ba naman para sa ikakaganda nito?

Isang bansa na walang alam kundi drama at showbiz!

Protesta ng protesta, mahina naman!

Isang bansang asa na lang lagi kay “Bro”.

Isang bansa na sunod sunuran lang sa iba!

Isang bansa na umaasa lang sa iba ang masaklap pa walang pagkakakilanlan.

Isang bansang palagay na lamang sa napapanood sa TV na nakakapagsaya sa kanila.

Isang bansang gaya-gaya!

Isipin mo na lang na ikaw ay ang Pilipinas, hindi ito isang bansa at ito’y isang indibidwal lamang tulad mo, ayos lang bang makitang ganyan ka sa kalagayan mo ngayon?

Sabihin na nating malakas ka at marami ang mahihina ngunit sumasailalim kayo sa iisang paglalarawan ano kaya ang itatanghal sa inyo?

Malakas?

Oo, ikaw!

E sila?

Sinu bang mas marami!?

Ang katulad mong malakas o ang katulad nilang mahina?

Tinutulungan mo bang maging malakas ang mahihinang kasama mo para ituring kayong malakas?

Tapos ayaw mong tatawaging kayong “bobo”, “mahina” o kaya naman lahat ng ayaw mo itawag sa inyo e yun ang nakakarami eh?!

Imulat mo naman ang mata mo!

Ikaw kaya ang nagpapamukha kung ano kayo kasi parte “ka” nung “kayo”? Kaya kung mas marami sa “inyo” ang mahina at parte “ka” nitong “inyo” ngunit malakas ka, ewan ko lang kung anong ituturing sa inyo!

Wag ka nang magtaka kung bakit may naalis sa inyo(parang Pilipinas) kasi mahina kayo.

Saan ka ba sasama?

Mahirap ka na nga di ka pa gumagawa para makaalis ka sa kahirapan, paano ka na? Tapos maninisi ka pa? Ginawa mo ba muna ang parte mo?

Tapos maggagalit ka pag may nagsabi sayong “puta” o whore ka? O kaya naman “katulong?

Sinu bang may sabing mahina ang “Pilipinas”? O baka naman mismo ang Pilipinas na ang nagsasabing mahina siya?

Saan ba nagsisimula ang malakas?O sabihin nating mahina ka, paano ka ba lalakas kung hindi ka nagpapalakas at nagpapaiwang mahina?

Baka naman umaasa ka la magpapalakas sa iyo para maituring kang malakas din?

E paano na kung humina ang nagpapalakas sa iyo? E di mahina ka na, dito ka naasa e tsaka mahina ka din.

Maano man ang sagot mo sa nauna ko mga tanong, eto ang dapat mong sagutin ngayon pa lang habang may pagpipilian ka,

Nais mo bang sumailalim o magpasailalim?

Ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang katanungan ko,

Kung ayaw mo ang sumailalim? Malakas ka ba para umayaw?

Itinatanong mo pa ba kung bakit may korapsyon?

May mga “Maguindanao Massacre”?

Bakit talamak ang droga sa Pilipinas?

Bakit may “ZTE Scandal”?

Bakit may mayaman?

Bakit malakas ang impluwensya ng media?

Bakit sikat si Rizal?

Bakit ang tibay ni GMA?

Eto lang ang sagot,

Kung di malakas e marami

kaya kung malakas ka at mas marami ang malakas sa iyo, durog ka!

at kung marami kayo at mahina naman, durog pa din kayo!

Kung gusto mong magtanong kung bakit, siguraduhin mong malakas ka para maghanap ng kasagutan at kung ayaw mong magtanong, sumunod ka na lang!

Ang madurog? o dumurog? Ang mamatay? o mabuhay?

Ang pagpili lang naman ay tulad ng buhay mo kung paano ka makikipaglaban para mabuhay o mas kilala bilang “survival”.Kaya kung di ka nakikipaglaban para dito,

“Isa kang patay na humihinga!”

Filipinos must dominate upon this world!

Were strong! Were many!

Magugulantang na lang sila!

Kung pinoy ka, simulan mo nang maging malakas para sa Pilipinas!

Ang paniniwala o “beliefs” nga naman.

Ano ba ang mga proposisyon, katunayaan, o bagay ang pinaniniwalaan mo? mga itinuturing mo, maging tama man o mali, katotohanan o kalokohan..kasamaan man o kabutihan,. Maganda man o pangit,. Alam mo bang biktima ka lang nito?

Hindi ba’t umaakto ka ayon sa paniniwala mo. Kung di naman sa iyong sariling paniniwala ito ay sa paniniwala ng iba o maari rin namang kumbinasyon.Oo, lahat tayo ay may kanya-kanyang paniniwala!Isipin mo na lang wala kang pinaniniwalaan para kang walang kwentang tao o isa kang “null being”?
Alam mo rin bang ang paniniwala ay selda o “prison” mo at nakakulong ka rito, na para kang kamay na nakagapos sa iyong pinaniniwalaan?
Di ba’t ang iyong paniniwala ay ang iyong “absolute law”?
Kung sa aming mga siyentista ng kompyuter, ang “paniniwala” ay maituturing mong “OS” o “Operating System” sa isang unit.
Para bang “Windows” sa iyong personal na kompyuter, yun bang nagpapagana sa “hardware” nito.
Isang trivia mula sa kay Rocking Geek, alam mo bang ang katumbas ng “software” ay ang ating kaisipan o mental at ang katumbas ng “hardware” ay ang ating katawan o pisikal nating katawan. Isipin mo na lang ang mga paniniwala ay ang mga “program” na naka-install sa utak mo. O kaya naman paano mo tatanggapin ang kaisipang di suportado ng iyong paniniwala?

Naaalala ko tuloy ang linya sa kanta ni Serj Tankian na “Baby”,

“Inadvertently we bleed Fighting for what we deceived”.

Hindi ba tayo naman ang may gawa kung bakit nasasaktan tayo dahil na din sa pinaniniwalaan natin? Nakikipaglaban tayo sa hindi natin, ayaw natin, at gusto nating paniwalaan. “Hindi naman masamang maitago o malingid sa iyo ang totoo,..ang kagandahan na malaman ang katotohanan? Para sa akin itinituring kong ang pagkakaalam ng totoo, ay kung ano ba talaga ang nakapaloob dito” – Plato

Nagtataka ka ba kung bakit may kaguluhan sa mundo? Ito ay dahil na din sa iba’t ibang paniniwala. Sa palagay mo, ang iba’t ibang tao kaya ay magkakaroon na pare-parehong paniniwala?

Hindi mo ba nakikita, naririnig o nararamdaman kung paano tayo pinapaandar ng ating paniniwala kung paano ka pinapaikot nito ang pagkatao mo? Tulad na lang ng sabi ng taong ito, “Kung sinuman ang nagbabasa ng dyaryo at pinakamagaling na mga libro mula sa mga kontemporaryong may akda para sa akin ay malubhang “near-sighted” na tao na ayaw sa salaming-pangmata. Siya ay kumpletong nakadepende sa prejurisdiksyon at nauuso sa kanyang panahon, gayong hindi naman niya nakita o napakinig ang anuman. At ang inisip ng tao sa kanyang sarili na hindi dala ng stimulasyon ng mga naiisip at karanasan sa ibang tao ay mas magandang kalagayan kaysa walang kwenta at kapurulan. Meron lang iilang tao na naliliwanagan ang mayroong nakakaintinding pag-iisip at kaparaaanan at magandang panlasa sa loob ng dekada. Kung ano man ang napanatili sa kanilang ginawa ay napapabilang sa pinakamahalagang pag-aari ng sangkatauhan. Ito ay utang natin sa iilang manunulat ng kasaysayan. (Plato, Aristotle, atbp..) na ang mga tao ng Gitnang Panahon ay mabagal na nailayo ang kanilang sarili sa kahirapan mula sa mga pamahiin at kaignorantehan na nagpadilim sa buhay nila ng halos kalahating milenyo. Walang na kailangan pa para masugpo ang kayabangan ng kamodernuhan.”

Sabi nga ni Sigmeun Freud, ” Kung paanong walang sinuman ang pinipilit maniwala, wala ring sinuman ang pwedeng piliting hindi maniwala”. Sino bang pumipilit sayong maniwala sa isang bagay, proposisyon, katunayan?Ikaw lang naman ang naniniwala dito.

Ang pagpili kasi ng paniniwalaan ay nasa atin, kumbaga “The choice is ours, i mean yours”,. Pansinin mo na lang ang dayagramang Venn kung saan makikita mo ang depinisyon ni Plato ng “kaalaman”,.

Kung maari ay paglaanan mo ng pansin ang ilan sa mga taong ito sa kanilang paniniwala,

Isa siyang partikular na matinding Alemang nasyonalista. Madadag pa rito ang pagkamuhi niya sa mga Hudyo na natunghayan natin sa malagim na “Holocaust”. Kontra siya sa mga “Anti” o salungat sa kanyang paniniwala, kontra demokrasya, kontra sa mga republikano. Isa siyang Sosyalistang Darwinista kung saan naniniwala siya sa proseso ng “Survival of the fittest sa pamamagitan ng natural na pagpili na pinapabilis ng gobyeno halimbawa na lang ang pagpapatay sa mga “di magamot” at maraming di kagusto-gusto.

“Ang salitang Diyos para sa akin ay wala lang kundi mas malala pa sa ekspresyon at resulta ng kamangmangan ng tao, Ang bibliya bilang koleksiyon ng honorable ngunit isa pa ring primitibong alamat na tunay namang napakapambata. Walang interpretasyon kung gaano kailusibo para baguhin ito.”

Hindi ko alam kung paano ako makikita sa mundo pero sa aking sarili ako ay para lang isang bata na naglalaro sa dalampasigan at inaaliw ko ang sarili ko ngayon at naghahanap na makinis na bato o magandang sigay kaysa ordinaryo, habang ang kagandahan na karagatan ng katotohanan ay nakatagong di natutuklas sa akin.

Walang Diyos na mas mataas pa sa Katotohanan!

Ang kaignorantehan ay gabi ng isip ngunit gabing walang buwan at bituin.

“Hindi ako liberador. Ang liberador ay di pumapailanglang sa mundo. Ang tao ang nagpapalaya sakanilang sarili”

Isang di makabuluhang buhay ang di inialay sa magandang mithiin. Parang bato na nasayang sa parang na hindi naging parte ng isang moog.

“Hanapin mo at ito ay iyong matatagpuan”

May napansin ka bang partikular sa mga taong ito? Oo, lahat sila ay nagpapakita ng katotohanan.

Di ba sila “bounded” sa kanilang mga sari-sariling paniniwala?

Ilan lang ang mga taong yan sa nagbigay liwanag sa kadiliman na ating mga paniniwala.

Alam mo bang ang mundong ito ay dominasyon ng paniniwala? Ngunit hindi ito dito nagtatapos, sa mundong ito hindi lang paniniwala ang nangingibabaw makikita mo ito sa payak na mga kaganapan. Ang makapangyarihan ang nangingibabaw kaya kung mahina ka at wala kang alam durog ka!! Para kang tau-tauhan sa sarili mong mundo mas maganda pa nga ang ganun, nabuhay ka lang para mamatay!

Naalala ko pa yung kanta ng System of a Down na “Hypnotize”,.

Why don’t you ask the kids at Tiananmen Square Was fashion the reason why they were there? They disguise it, hypnotize it Television made you buy it

I’m just sitting in my car and waiting for my… She’s scared that I will take her away from there dreams that her country left her with no one there Mesmerize the simple minded Propaganda leaves us blinded

I’m just sitting in my car and waiting for my girl I’m just sitting in my car and waiting for my girl I’m just sitting in my car and waiting for my girl I’m just sitting in my car and waiting for my…girl i’m just sitting in my car and waiting for my…………..girl

Alam mo ba ang nangyari sa Tiananmen Square na nabanggit sa kantang ito?

Magsaliksik ka,..ito ay kagaya ng nangyari sa Maguindanao,.. Oo isang massacre at halos di na din nalalayo!!

“Ang mga studyante ay nakaupo habang ang mga tangke ay tumatakbo dito. Ang ibang mga studyante ay dinaanan ng ibang tangke. Ang “flamethrower ay ginamit matapos ang nasabing insidente para hindi na makilala ang mga bangkay”, yan ang sabi ni Alex Woodhatch isang Briton na studyante sa Peking na may kinalaman sa Tian’an Men Square massacre sa Beijing, China.

Kagaya ng paglibing ng buhay sa mga kapatid at pagpatay sa Maguindanao,.ang pagtatago dito,ang pagkadamay ng mga pulis, pagpatay sa media para mapanatili ang kapangyarihan.

Isa pa, “Ang partidong Komunista ng mga Tsino ay nawalan ng “Mandato sa langit” sa “Tiananmen Square massacre”, upang maibigay ang prosperidad sa lupa para umayon”, sabi ni George Soros isang Hungaryong ipinanganak sa Estados Undos na isang inbestor at pilantropo. Kagaya ng nangyari sa mga Ampatuan.

Ano ba ang implikasyon nito?

Ang paniniwala ay katulad nito:

Nais kong iwanan sa iyo ito!!