Skip navigation

Hindi na ako nagtataka kay pareng Albert Einstein, Newton, Mareng Marie Curie at sa maraming imbentor. Alam ninyo, hindi ko naman ganung hinahangaan ang mga sikat na imbentor, mas hinahangaan ko pa nga ang mga bagay na nagbunsod sa kanila para gawin ang mga imbensyon. Naisip ko nga siguro di naman sila nag-imbento para lang kilalanin at maging sikat.

Sa palagay ko, ginagawa lang naman nila iyon para sa ikakadali ng mga bagay-bagay. Ang umalwan(dumali), iyan di ba. Kung iisipin mo nga naman kung saan tayo nagsimula, sa payak na paraan. Naniniwala nga ako na “Lazyness is Virtue”, hindi dun sa talagang tamad na ayaw man lang gumalaw o maglaan ng lakas kahit papano kung hindi ay dun sa nagsusumikap ng guminhawa bunsod ng katamaran. Ikaw, hinahangaan kita kasi tinatyaga mong basahin ang katha ko dahil alam mo na may mapupulot ka.

Tsaka wala ka bang napansin sa paraan ng pagsulat ko?

Kung wala, napansin mo ba na di ako nagsulat na katulad sa cellphone texting, medyo nahirapan nga ko eh kasi katamaran iyon. Ang isa pa ayokong malathala ito na text na kagaya ng sa iba dyan na parang walang pinagaralanat sariling wikang ginagamit na ang masaklap pa ay iniiba ito, tamad ba!.

Alam ninyo ba na hindi naman magagawa ang mga bagay na tinatamasa ninyo ngaun kung hindi nila inisip kung pano nila mapapadali ang sitwasyon mo ngaun na dati ay pinagkakahirapan nila? Dito pumapasok ang imbensyon na ngaun ay ginagamit mo, ang ibig kong sabihin ay tayo.

Pwede naman tayong maging tulad nila, hindi lang yun baka malampasan pa natin sila. Kung iisipin mo na mahirap, e di wala ngang mangyayari sayo.Ang gusto ko pang iparating ay kala mo ba ang mga sikat na imbentor ay talagang magagaling isama pa natin ang mga bantog? Naku! iyon ang akala mo! yang sina Einstein?Edison?Wright Brothers at marami pang iba? Magaling ka pa!Lalo na pag nakita mo o napag-aralan ang mga ginagawa nila. Sabihin mo pang “E Common Sense lang pla iyon kahit yata aso kung nalalaman iyon magagawa!”. Maniwala ka lang sa sarili mo, Magtyaga, Makikita mo ang hinahanap mo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: