Skip navigation

Noon, sa tuwing makakapakinig ako ng salitang “hacker”, iba ang sumasagi sa isip ko kundi sila ung mga mapanirang nilalang. Magagaling magmanipula ng impormasyon, mandaya at manloko iyan sila. Pero nung aking mapagtanto dapat pala talaga silang hangaan at igalang.

Alam mo ba na isa lang ang gusto nilang patunayan?, kasi sa mundo namang ito ay walang perpekto at ang lahat ng bagay ay may kanya kanyang kahinaan. Pamilyar ka ba sa kasabihang “Kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan”? Nakakapaglaro ka na ba ng mga online games tulad ng Ragnarok, MU, Grand Chase at marami pang iba? Alam mo ba unp bot?exp hack? Money hack?items hack?scamming? Siguro alam mo na ang ibig sabihin ko.

Alam mo ba hindi lang iyan ang pwedeng ihack, kung iisipin nga parang halos lahat ay pwedeng ihack gumamit ka lang ng lohika o logic. Ang hacking kasi ay para lamang matalim na pag-iisip parang common sense kumbaga. Ang isang halimbawa ay tungkol sa kompyuter. Naalala ko tuloy iyong sinabi ni Lolo Leonardo Da Vinci na pag ikaw daw ay gagawa ng isang bagay wag mo itong gawing kumplikado. Natural nga naman kung pakakaisipin natin pero malaki ang implikasyon nito sa panghahack. Akala mo ba ganun ang kompyuter kakomplikado?Binubuo lang ito ng dalawang estado na oo o hindi. Para lang ang kompyuter na kahon na puno ng kabit kabit na switch na pinapaandar ng kuryente. Alam mo ba na pinagsama-sama lang na prinsipyo ang kabuuan nito.

Kung may gusto kang malaman huwag mong pahirapan ang sarili mo para malaman ito. Isipin mo lang na madali ito. Isa pa sa naaalala ko ay ung banyagang kasabihan tungkol sa bit ung 0 at 1 na nagsisilbing payak na impormasyon sa kompyuter, sabi niya para maging tama ang isang bit pinapalitan lang ito kung mali. Iyon lang naman e at para maging mali ay ang kabaligtaran nuon. Kung pamilyar ka sa error correcting code maiintindihan mo ko. Ang gusto kong iparating ay pwede mo namang baguhin ang program sa paraang gusto mo kasi gumagana naman ito sayong kompyuter hindi sa iba. Halimbawa, anu ba ang program? Di ba kabuuan iyon o set ng commands para sa isang partikular na motibo o task? Parang sa katawan mo as kompyuter, at ang program ay ung kabuuan ng gagawin mo, nakukuha mo ba?! Di ba pwede mo namang ibahin ung mga program o ung gagawin mo? Iyon ang pinakasimpleng hacking. Sabihin mo naman parang tanga.

Palawakin mo kasi ang isip mo wag lang sa bagay na nakikita mo o nakasanayan mo ng ginagawa! Iyon kasi ang reyalidad, may kalayaan ka! Iyan ang isa pa sa gustong patunayan ng hacking, ang kalayaan. Umaakto kasi ang mga hacker sa reyalidad at sa limitasyon.

Ngayon alam mo na?..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: