Skip navigation

Sabihin mo naman ano bang klaseng post ito?

Hindi ko intensyon na guluhin ka. Ito ay sa kadahilanangmay gusto lang akong ipabatid sayo pero kung ayaw mong tanggapin ayos lang at pakitapos mo munang basahin ito bago ka mag-isip ng kung ano sa akin.

Naitanong mo na ba sa sarili mo kung ano nga ba talaga ang tama at ano ang mali? Siguro natawa ka na ngaun sa aking kathang ito.

Naghanap ako ng ibig sabihin ng right, correct, accurate, rectify, true, exact, precise at maraming pang iba na halos lumayo ka na sa tunay na ibig sabihin ng tama pero naisip mo na ba na ang tama ay kung paano natin ito ituring?

Bumangga na ba sa isip mo na ang tama ay tulad ng variables na nakadepende kung paano mo ito idefine na tulad sa programming? Tulad na lang ng isang salita na kung saan ito yung gusto mong iparating?

Sumagi na din ba sa isip mo na ang tama ay iyong tinatangap ng marami na ang ibig sabihin ko sa ingles ay “Generally Accepted”?

Sabi nila ito daw ung makakabuti sa lahat pero ito ang sasabihin ko sa yo hindi naman lahat ng maganda sayo ay maganda para sakin na lahat ng tama sayo ay tama din sa akin, sa iba pa kaya? Bukod sa ating dalawa ay may humigit kumulang na walong bilyong tao sa mundo na may magkakaibang pananaw at layunin?

Bakit pag minsan may tama na nagiging mali ganun din sa mga maling nagiging tama?

“Tama ka!”, yan ang sabi ng teacher mo sa math ng makuha mo ang sagot sa binagay niyang pagsusulit. “Mali yang ginagawa mo!” saway ng nanay mo. “Nagkasala ka sa salang pagnanakaw!”, sigaw sa iyo ng pulis. Pero tinanong mo na ba ang sarili mo kung ano ba ang nasalikod ng mga tamang ito? Hindi ba ito naging tama dahil may basehan at batayan sila? Kasi ito ung inaakalang nilang tama? Kasi ito ang itinuturing nila na tama dahil nauukol ito sa batas at mga regulasyon? Kasi ito yung kinalakihan nila?

Ang tama basa iyo ay iyong nakakabuti sa sarili mo? Kung Oo, sa akin, dun ka nagkakamali!Paano naman ang iba? Napakamakasarili mo! Di ba mali yun? E sino ba ako para magsabi sa iyo ngganito at sino ba ang sumasaklaw sa pag-iisip mo di ba ikaw?! kahit ako pa ay kamag-anak , kapamilya, kaibigan, kakilala mo e sa iyo ito yung inaakala mong tama, ? Ito yungpagkakaintindi mo? Tulad na lang nung tumawa ka o mag-isip na ako ay nasisiraan na dito ngunit taliwas sa iyo na sa kin ay may kabuluhan ito?

Kahit na sabihin natin na masama o maganda ang gawin o isipin mo, sino ba ang pumipigil sa iyo? Di ba ikaw din maliban na lang kung may nakakaalam nito, nakakita, nakarinig, nakaamoy, at nakadama, na sa kanila ay masama ito?

Naalala mo ba ang mga kontrabida sa mga sikat na palabas? Ano ang palagay mo sa kanila? Di ba sagabal sila? sila ung mga masasama? Mga kontra kabutihan? Pero naisip mo na ba na sa kanilang mga sarili sila yung tama? sila ang nakakaalam ng mabuti? Di ba minsan ganun ka rin? Napagtanto mo na ba na sila ang nagpapaganda sa palabas kahit sila ay umaakto bilang masama? Na kung wala sila walang “thrill” ang palabas o hindi mo ito ituturing na isang magandang palabas?

Hindi ba ang mali ay ang resulta ng paglalaban ng dalawang tama? Halimbawa, ikaw at ang kapatid mo. Sa kanya mali ka ganun din siya sa iyo. Sa palagay mo ikaw ang tama ngunitganun din siya.

Naitanong mo na ba ang ganito sa sarili mo?

“Kailan ba ang mali nagiging tama?”…?

“Gaano nga ba katama ang tama?”

“Kailan ba ang tama nagiging mali?”

Nagtaka ka na ba kung bakit kungtayo ay ginawa na tama bakit nagkakamali tayo? Hindi ba ang mali ay ang resulta ng pagiging tama?

Naisip mo na ba na walang naghangad ng mali sa nangyayari sa iyo gayundin sa paligid mo?Na resulta lang sila ng mga ginagawa mo o ng iba maliban na lang dun sa sinasadya mo o nila? At di ba kung alam mo na na may mangyayaring masama sa ginagawa, hindi mo ito gagawin kasi alam mo na eh e kaso di mo alam pero nakadepende ito sa iyo.

Sino ba sa iyo ang nagtatakda ng tama? Ang sarili mo? Ang mga magulang mo? Ang Diyos? Ang mga karanasan mo? Ang mga nakakataaasna posisyon sa iyo? Ang mga batas at regulasyon ba na nakakasakop sa bansa mo? Bakit pag minsan nagkakaron ng “conflict” sa mga ito?

May standards ba ang tama na tulad nung SI o International Standards?

Hindi ba para malaman mo ang tama kailangan mo munang magkamali o makita, makarinig, makadama, makaamoy man lang ng mali kasi may basehan ka na eh?

Naisip mo na ba na hindi naman ganun kasama ang mali gayudin na hindi naman ganun kaganda ang tama?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: