Skip navigation

Natatawa ako sa mga nagkakagulo, nag-aaway, mga di magkasundo, di pagkakaintindihan at maraming klase ng kumbaga “disputes” tungkol sa mundong ito?

Tulad na lang sa pagkalahad ko nito at sa iba ko pang post kung mababasa mo, maaaring marami ang gustong kumontra sa akin o labag sa aking ideya. Pero alam mo ba, hindi ko ito maalis sa kanila. Iyan kasi ang reyalidad sa mundo.

Halimbawa, pagsinabi kong “Magkakaiba tayo”, sasabihin naman ng iba, “Pare-pareho lang tayo!”.

Pamilyar ka ba sa mgaito,

Tama o mali

atheist o theist

pessimist o optimist

true or false

science or religion

yes or no

to love or to hate,

chicken or egg ,

homo or hetero,

mayaman o mahirap

at

dapat bang maging bayani si Rizal o hinde,

diba ilan lang yan sa lintekna pinagkakaguluhan ng sangkatauhan?

Natatandaan ko pa nung 3rd year high school ako sa social science namin na tungkol sa world history. Isa sa hindi ko makakalimutan ay si Zoroaster at ang Zoroasterismo. Ayon sa kanya at maging sa kanyang paniniwala, ang mundo daw ay nasa pagitan ng dalawang naglalaban, ang “masama” at “mabuti”. Nakuha mo ba ang punto niya dito at naisip mo na din ba na may “counter part” talaga ang kahit anong proposisyon sa mundong ito na ito rin mismo ang bumubuo at pumapaloob dito?

“We live, therefore we have a tendency to die”, “Kung may problema, may solusyon”, “Pag gusto may paraan”. “Kung may pangit, may maganda”. “Kung may mas nararapat, baguhin”. “Sa bawat aksyon may karampatang reaksyon”.

Di ba ilan lang angmga ito sa temang nagiging “engine” ng pagbabago sa mundo? Sa madaling sabi, ang pagkakaiba ang nagiging sanhi ng pagbabago. At kung tayo ay pare-pareho di tayo uunlad kasi nga permanente, walang pagbabago, “fix” eh. Isang magandang ehemplo dito ay ang “0” at “1” ang ibig kong sabihin ay sa computer kung paano ito gumagana. Kaya nga halos maihalintulad ko na ang computer sa mundo eh. Tingnan mo na lang, hindi naman gagana ang computer ng puro “0” lang o “1” lang. Ano ba ang ibig kong sabihin? Ang gusto kong tumbukin ay ang transisyon sa pagitan ng dalawang magkaibang “entity”. Iyon bang pagbabago na nagpapatakbo sa computer. Nakuha mo?, parang sa mundo, ang paglalaban ng iba’t ibang interes o kagustuhan na nagbubunsod para magkaron ng pagbabago para umabot tayo sa kalagayan natin ngayon.

Nais kong magkwento ng isang sitwasyon na magpapakita ng isang konkretong eksplanasyon na pumapaloob sa ilalahad kong ito:

Isa kang prehistorikong tao, hindi mo alam na ang apoy ay pumapailang-lang(existing) sa mundo. Nakakita ka nito, maganda siya, maliwanag, umiilaw, at dahil sa kakaibang dinudulot nito sa iyo(feeling of curiousity), hinawakan mo mismo ang baga, at nakaramdam ka ng napakainit at nakakapasong pakiramdam, na naging sanhi ng pagkalapnos ng balat mo na nagdudulot ng kakaibang sakit dahilan para mabitiwan mo ang bagay na nag-aapoy. Makaraan ang ilang araw nakakita ka ulit ng apoy? Hahawakan mo pa ba ito matapos ang huling karanasan? Dito papasok ang tinatawag na pagbabago.

Makalipas ang isang buwan, nakakita ka ulit ng sanga namang may apoyat may kasama ka na walang alam dito, parang ikaw nung una. Sa pagkakataong ito humangos agad ang kasama mo ngunit hindi niya ito nahawakan sa baga kundi malayo sa mismong apoy, hindi siya napagaya iyo,. Dito papasok ang inobasyon. Di ba magbabago na ang pananaw mo dito?Magkakaroon ka na ng kakaibang kaisipan na papalit sa nauna mong konklusyon? Naisip mo na ba na dito nagmula ang batas?

May batayan ka na di ba yung kasama mo. Isang halimbawa ay ito:

Laws on Fire

-states that dont hold it with your hands or any part of your body connected

-states that if your to hold or get fire it must be far from the flame

Ngayon nagtataka ka kung bakit my atheist? Kung bakit may “To see is to believe”? kung bakit may gulo? Kung bakit tayo iba’t iba? Bakit may di ka gusto? Bakit ka nasasaktan kahit masarap ito sa iba? Bakit may nagnanakaw o napatay kahit labag ito sa batas? Marahil sa yugtong ito nagkakaroon ka na ng kaisipan sa paglalahad ko?

Matanong kita ayaw mo ba sa mundo at labag ito sa iyong kagustuhan? Pwede mo naman itong ipagsawalang bahala o kaya kung ayaw mo talaga ng gulo o kahit anomang kokontra sayo, pwede ka nang magpatiwakal nasa sa iyo yan! Pasensya ka, tumitira tayo sa iisang mundo!

Sabi daw,”No man is an island”, syempre, wala naman talagang pwede kasi nakatira tayo sa iisang planeta. Subukan mo, maggawa ka nga ng sariling mong mundo ewan ko lang kung makuntento kang nag-iisa, o kaya ganito na lang, mag-gawa ka ng mundo mo kung saan ikaw ang ituturing na diyos, ewan ko lang kung mangyari yun lalo na’t nakakapag-isip ang mga nilalang mo o kaya naman hayop na lang ilagay mo.

Isa pa, kung gusto mong walang gulo, huwag mong ipanggi-gilan o ipagdil-dilan ang gusto mong mangyari at ipaintindi na ayaw naman tanggapin ng iba. At alam mo ba ang masaklap dito? Merong ibang tao na sila naman ang nakikipag-gigilan sa gusto nilang mangyari o ipatupad sayo lalo na yung mga makapangyarihan o malakas na tao kaya nga merong kasabihan na “Its the survival of the fittest”. Maihahambing natin ito sa mga pinuno, matataas na posisyon at mayayaman. Kaya nga maraming nag-aambisyon sa alin man sa nabanggit ko.

Nag-aral ka naman ng Algebra di ba?

Alam mo bang ang mundong ito ay katulad ng sistema ng numero( Basahin mo yung post kong An Outlook Of A Computer Science Student 1 and 2 at isama mo na din yung iba ko pa, at palawakin mo ang isip mo at may madidiskubre ka tungkol sa gusto kong iparating, maaari mo kong tanungin kung naguguluhan ka.)

Naisip mo na ba na isa ka lang sa mga variable sa napakahabang equation ng misteryo samga pangyayari sa buhaymo, sa ibang tao, na nasa paligid mo na nasa mundo. Kabilang na dito ang ginagawa mo, iniisip mo, yung ginagawa ng iba, iniisip nila at marami pang ibang salik. Ito ay tinatawag kong “Complexity Theorem”. Kaya nga di natin maipaliwanag ang lahat ng nangyayari sayo, o sa lahat, kahit ako. May mga bagay kasi o mga pangyayaring marami ang nakakasaklaw, o sinasaklawan. Maikukumpara mo ito kay Gödel na “Incompleteness Theorem” na hindi naman daw lahat ng proposisyon ay maari lamang pumatak lang sa pagitan ng tama o mali o sa ingles na “undecidable theorem”.

Nag Calculus ka ba?

Isipin mo na lang na ganito tayo kasi ay function then we are within function na within function na parang endless function.

Di mo ba maintindihan sa mathematical term? O ganito, para kang artista na gumaganap sa pelikula na artista pa rin na gumaganap sa tunay na buhay. O gets?! Siguro naman nakuha mo ang gusto kong ipahiwatig at kung hindi mo pa rin makuha bahala ka ng dumiskarte sa buhay mo at kung ikaw naman ay yung walang pakialam o walang alam dito sa inilalahad ko mas maganda, sayang!

O wag ka ng kokontra, administrasyon? o oposisyon? Pro o Anti, Good or Bad, Whew, “It’s just a matter of choice & responsibility of consequences!!”, maging ano man yang piliin mo, nasa sayo yan.

Tingnan mo na lang ang “World War 1 & 2”, “holocaust”, mga trahedya, aksidente, terorismo, at marami pang kaguluhan. Alam mo ba na parte lang ng mga kagimbal-gimbal na pangyayari yan ang mundong ito. Huwag kang mag-alala. Ang maipapayo ko lang sa iyo kapatid, “Just Enjoy it, Being!”. Tao lang tayong namamatay, o kungimortal ka man bahala ka sa buhay hindi mo alam ang esensyal ng katapusan ng buhay. Kung masokista ka man o sadista bahala kayo o kahit anu mang uri ng nilalang na di ko alam.

Sige, malihis o maiba muna tayo pero tungkol din dun para maintindihan mo ko. Demokrasya? ha!? oo nga kalayaan! Kalayaan!? naisip mo na ba na ito ay “Tyranny” ng mayorya, kaya pa ring ibaluktot ang nais iparating nito, paano halimbawa ang mayorya ay nagkasundo sa di kanais-nais na patakaran paano ka na?

Matter lang ba?, di ba may anti-matter din. Eto pa, ang hacking ay masama pero pwede ka namang manghack ka for good.

World Peace?!, hindi kaya magkakaron nun hangga’t tayo ay magkakaiba. Gusto mo ba? Lipulin mo ang buong mundo, peace pare! Tahimik, walang gulo. Gudluck, sa maraming kalaban mo, haha

Ang batas? mga tuntunin lang yan, alam mo ba ang nasa likod nito, pwede ka namang pumili kung gusto mong sumunod o hindi.Pero alam mo ba nirerespeto ko ito sa kung paano ko ito gustong irespeto,.

Pagpatay?isipin mo na lang ang populasyon sa mundo?ang naidudulot nito? Pagkunsumo nito sa mundo? Baka dumaan ang panahong siksikan na tayo o kaya naman tao na din ang kinakain natin?

Nakuha mo ba ang ibig sabihin ko? Marami pa yan, at alam ko ang iniisip mo?

Hindi kita pinipilit na sumang-ayon sa akin. Ikaw na ang humusga. May maidadagdag ka pa ba? Alam ko meron…

Salamat, sa pagbasa, Open your mind, free it!

Kumento?..

“malas mo nagka-alam ka, mas maganda pang inosente ka,..”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: