Skip navigation

Armani, Lacoste, Guess,Tommy Hilfiger, Tribal, Bench, Penshoppe, Human, Louis Vuitton, D & G, Adidas, Nike, Girbaud, Dickies, Jag, Levi’s, Hang Ten, Prada, Gucci, DKNY, Versace, Lee, Giordano, Fila, at maraming pang iba.

Ilan lang ang mga yan sa sikat na mga “brands” ng damit o “clothings” na sikat sa atin at sa buong mundo.

Naisip mo na ba kung paano na kaya kung di nauso ang damit? o kaya naman tayo ay kinakailangang hubad?na ito ay mahigpit na ipinapatupad na ang pagsuway dito ay kamatayan?

O, wag kang pakaberde, kapatid. May gusto akong puntuhin dito na mas malalim kaysa gusto mong tukuyin. Kung maaari ay basahin mong mabuti ang aking paglalahad para sa iyong kaliwanagan tungkol sa nais kong iparating.

Naalala ko pa noong bata ako sa gulang na walong taon ang mga kabulastugan ko dulot na din ng mga balasubas na kaibigan ko. Ang mga imahe ng organs, mga “malalaswang” pananalita, paninilip sa mga babae, hay naku, haha (Noon yun ha, mga Goodboy na kami ngayon, pilyo lang pag minsan). Mga inusente kasi eh, nakakapagdulot ng kakaibang kasiyahan sa mga musmos na kaisipan.

Nakakapagbasa ka ba ng bibliya? Naaalala mo pa ba sina Adan at Eba, ang paglikha ng mundo ayon sa Diyos, ang Genesis?

Quote:
Nagkaroon nga sila ng pagkakaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila’y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtagni-tagni at ginawang panakip sa katawan.

Genesis 3:7

Quote:
(Adan)“Natakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat ako’y hubad,” tugon ng lalaki.
(Diyos)“Sinong may sabi sa iyong hubad ka?”, tanong ng Diyos. “Bakit kumain ka ba ng ipinagbabawal ko?”
Genesis 3:10-11

Ang kalokohan ko pa nga nung bata ako tungkol dito, “Sayang, kung hindi nga lang nagkasala sina Adan at Eba, hubad sana lahat ng tao, hubad din crush ko at di na ako papahirapang manilip.”
Oo, nakakatawa, pero isipin mo na lang ang implikasyon nito sa mga pangyayari sa mundo.

Sabihin mo naman panalo ang mga manyakis at busog na busog ang kanilang mga mata sa mga hubad at magagandang pigura ng mga may pu**ng nilalang at sa makamundong pagnanais nila dito.

Oo, maaring parang ganun na nga pero may nais akong ipabatid sa iyo. Tumingin ka sa mga imaheng ito.

Anong naiisip mo? Nakakapaglaway di ba? Parang gusto mo siyang hubaran. Gusto mong makipagniig sa kanya, lalo’t napakaganda ng kanyang mukha. Umiiral ang kalibugan mo di ba, wag kang tatanggi, babanatan kita, hehe maliban na lang kung di tayo talo!.

Si Rizal nga, oo, hinahangaan ko siya (May Rizalista dito?), pero alam mo ba, marami siyng inanakan, maraming naging babae tulad na lang ni Clara(ina ni Hitler), ang prosti daw na si Bracken, ang saleslady na si O-sei-san, at maraming pang iba na lingid sa ating kaalaman(Sino naman ang magsusulat tungkol dun, syempre, sikreto, tsk tsk). Yun nga daw ang sumira sa imahe ni Rizal sabi nung kabarkada kong prof na batikan sa buhay, gawa at mga sulatin ni Rizal sa subject namin na “JOSERIZ” maging sa pelikulang, “Bayaning Third World”. Kung tutuusin nga daw mahina pa yung kay Katrina Halili na scandal, kung uso na yun noon baka naeskandalo na din si Rizal sa marami niyang babae.

Maging ako, lalo na’t nang-aakit o nagbibigay ng rason. Sabi nga, “Woman is a Man’s Weakness”, Si Adan nga, Si Jesus din kung lingid sa inyong kaalaman.

Naisip mo na rin ba na ang pagkakaroon ng “Damit” ay isa sa nagbubunsod ng mga krimen at kaguluhan sa mundo?

Kelan pa naging bastos ang hubad kung hindi ito ay nasa nag-iisip?

Palagay mo, mauuso pa ba ang NSFW?Porns?Darami pa kaya ang titingin dito gayong “explicit” na ito. Sino bang mag-iisip nun e parang pangkaraniwan lang?

May dapat pa bang itago pag ikaw ay hubad?may maitatago ka pa ba?

Kung lahat ay hubad hindi ba magiging pantay pantay ang pagtingin natin sa isa’t isa kung saan ibinabase natin ito sa suot?

Kung papipiliin kita, saan ka sasama sa naka-armani o sa gulagulanit ang damit?E di ba kung lahat sila ay hubad magkakasama kayo at wala ng diskriminasyon?

Sinu bang may sabi na ang damit ay para itago ang iyong katawan kahit maganda ito o pangit?Hindi ba’t para proteksyonan ang iyong katawan sa panahon?

Hindi ba’t ikaw ang nag-iisip na ikaw ay hubad? Ang pinagbabawal na prutas ba ang dahilan? Ang ibang tao? Nagpapadala ka ba sa iba? Hindi ka naman robot o computer, may sariling utak ka na nakakapag-isip at kung iba ang nagkokontrol sayo, wala na kung magagawa dun!

Alam mo ba na ang damit ay isa sa mga salik na nagbibigay pagbabago sa mundo?

Ipinanganak ka bang may damit?

Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa ikalawang bahagi ng “Ano nga ba ang Tama?”,.
“Hubad ka pa rin, nakadamit nga lang,.kahit anong gawin mo yun ang hubad na katotohanan!

Sana’y mapagtanto mo ito,..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: