Skip navigation

Sa unang bahagi ng aking kathang “Ano Nga Ba Ang Tama?” marahil nagkaron ka ng kakaibang pagtingin ukol dito, mga ideya na kung saan maaring nalaman mo kung ano nga ba talaga pumapaloob dito.

Ngayon, nais kong muling pukawin ang atensyon mo sa mas malalim at mas kakaiba kumpara sa una kong paglalahad ukol sa paksang ito.

(Kung maari lamang ay ihanda mo ang iyong sarili sa iyong mababasa.)

Obserbahan mo na lang ito;

Halimbawa, may isang argumento tayong pinagtatalunan. Gumawa ako ng posibleng kalabasan.


Ikaw Ako Resulta
Tama^ Tama^ Pagkakasundo*
Tama^ Mali^ Di- Pagkakasundo*
Mali^ Tama^ Di-Pagkakasundo*
Mali^ Mali^ Pagkakasundo*

* = depende sa kung sino ang mas malakas, maimpluwensya at makapangyarihan ang mananaig bilang tama o mali pero hindi ibig sabihin ay nararapat ng ituring ang mananalo; magkaiba pa rin ang pagtanggap sa proposisyong ito depende na din kung mapagkakasunduan.

^ = depende pa rin kung paano ito nasabing “Tama” gayundin kung “Mali”. Maaaring napilitan, pinilit, walang alam, nakikiayon lang, kinalakihan, trip lang at iba pa.

Ano ang napansin mo?

Naaalala mo pa ba ang inilahad ko sa unang bahagi? Ang tama o mali ay kung paano natin ito ituring?

Ito ang dahilan kung bakit ang batas ay itinatag! Hindi ibig sabihin ang batas ay tama. Kumbaga kasunduan lang sa “common right of majority” para maiwasan ang pagkakagulo o “clash” ng iba’t ibang pagturing dito. Itinaguyod lamang ito para magkaroon ng “anino ng kaayusan” pero sa likod nito hindi pa rin maitatago ang kaguluhan.

Naisip mo na ba bakit may nagkakagulo pa rin kahit merong batas?

Isipin mo na lang kung anong mangyayari kung walang “batas”. Naiimagine mo ba?

Earth will be a one big f*cking battle place.

“Law is a mock!”

“Domination will be the language of the Universe”

“To own or be owned”

“To live or die”

Sino ba ang pumipigil sa iyo na lumabag sa “tama” o “mali” nilang sinasabi, di ba ikaw? kahit pa ang kapalit nito ay buhay mo.

Saan ka ba umaakto?

Masasabi mo pa bang tama ang ginagawa mo kung ang sumusunod ang kakalabasan nito:

Napapalo?

Napaparusahan?

Nasasaktan?

Nasusugatan?

Nawawasak?

Nawawalan?

Nakukulong?

Namamatay?

Nawawala?

Nahihirapan?

Ayos lang ba sa iyong magbata ng sumusunod?

Sabi ko nga nakadepende pa rin ito sa iyo ang pagtanggap.

Ang tama ay marahil di na nalalayo sa pangalang, “God” o Diyos. Naaalala mo pa ba nung bata ka ang mga ganitong pananalita?

“Sige, magagalit sayo si Lord pag-ginawa mo yan”

Where does this lead us? Di ba ang Diyos ang nagiging batayan ng tama natin?

Ang “alibi” natin?

Sa ating mga pagdurusa?

Pag-ikaw ay wala ng magawa sa mga di-kanaisnais na pangyayari sayo?

Sigurado ka bang may dinidiyos ka pa pag ikaw ay masaya?

Ever think that “God” is a state of mind cause “God” is within us.

Ikaw ang gumuguhit ng kanyang dibuho kung paano mo gusto siyang makita para bang kung paano mo gustong ituring ang tama

Gusto mo ba talagang malaman kung sino ang tunay na Diyos?

Tumingin ka sa paligid mo!

Sino ang umiimpluwensiya sa iyo? Namumuno? Nagtatakda ng lahat?Kinatatakutan mo? Sinusunod mo? Hinahangaan mo?Tinitirahan mo?Sumasakop sa iyo?

Siya ang tunay na diyos!

Hindi na ako nagtataka kung minsan ay bigla na lang sumiklab ang isang digmaang pandaigdig na ang mundo ay maaring pamahalaan ng isang makapangyarihang tao na papatay sa sinumang lalabag sa kanyang itinakdang tama.

“Isn’t that your vulnerable?”

Sino bang nagturo sayong umibig? mamoot?matakot? Di ba ikaw din ang natanim sa sarili mo?

Hindi ba dala lang iyan ng paligid mo? Napapanood? Nakikita? Pinaparamdam sa iyo? Naririnig mo?

Sa panahon ngayon, di ka ba naaalarma sa mga nangyayari?

Gaano ka ba kalakas?

Kahit siguro gaano ka man kalakas may kahinaan ka pa rin!

Gaano ka ba makapangyarihan?

Kahitpasiguro gaano ka man makapangyarihan may mas makapangyarihanpa sa iyo!

Gaano ka ba katalino?

Kahit pa siguro gaano ka katalino may di ka pa rin alam!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: