Skip navigation

Pag-ibig!
Pag-ibig?
Pag-ibig?!
Pag-ibig!?

Hihahanap mo ba ang Pag-ibig?

May pag-ibig nga ba?

“Ang pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat makuha lang.”

Teka-teka iniisip mo ba ito?

Ang pag-ibig ay nakadepende sa iyo. Maging ang pag-ibig ay kung paano mo ituring.

Wala naman talagang pag-ibig at kung meron man, iniisip mo lang ito at ikaw ang gumagawa! Isa lang itong “mind initiated feeling”.

Love is an art of fooling oneself.

At kung iniisip mo ito, isipin mo na lang na tunay ito, damahin mo na lang, wag ka ng magtanong at hindi ko na nirerekumenda na basahin mo ang paglalahad ko. Ngunit kung gusto mong malaman at kung “curios” ka sa pag-ibig, inaanyayahan kitang basahin ito at nasa iyo na ang paghusga sa iyong mababasa. Pinapaalalahan lang kita na kapitan mo ng mahigpit ang pag-ibig mong pinaniniwalaan at baka maglaho bigla sa iyo.

Hindi ako mapait sa pag-ibig para ilahad ang aking kakaibang panig ng pagtingin nais ko lang maipaalam kung ano ang pumapaloob sa pag-ibig na ito na maaring ikagulantang mo.

Nakakatawa ang pag-ibig kung paano ito pumapailang-lang (exist) sa mundo. Sabi nila, “Love is the absence of Hate”?. Baguhin natin, “I hate not to love!”, kamusta naman yun, absent ba ang “hate”?

Pamilyar ka ba sa kasabihang “Ang pag-ibig ay bulag”?

Bakit nga ba inibig mo siya pero di naman niya makita o maramdaman o may umiibig na pala sayo di mo naman makita? Bakit pag minsan kahit “masama” ang isang tao ngunit mahal mo ito napapalampas mo ang siya tulad na lang ng pagkakakumpara natin sa Diyos?

Alam mo bang minsan dahil sa pag-ibig, ang babae sa simbolo ng batas ay natatangalan ng piring(blindfold)?

Kelan ba daw maling umibig?Tama pa ba ito kung dahil dito pwede kang magkamali?

Bakit may nagkakasala dahil sa pag-ibig kung maganda ito? masasabi mo pa bang hindi kundisyonal ito pagnakaron ka ng dahilan para dito?

Ano nga bang pakiramdam pag-umiibig? Bakit ang pag-ibig ay nakakagalit pagminsan?Naisip mo na ba na ito ay nagiging sanhi ng tukso na nagdudulot ng kasalanan?

Nagdadala din ito ng selos di ba? May nakakapatay pa nga eh dahil sa pag-ibig.

Dahil sa pag-ibig, maraming namatay na. Si Jesus nga dahil daw sa pag-ibig niya sa sangkatauhan, nagpakamatay.

Maraming namatay na dahil sa pag-ibig sa bayan.

Napalo ang anak sa pag-ibig ng magulang dito.

Naaalala mo pa ba “Trojan War”? Alam mo ba ang pinagsimulan nito?

Nakakamatay ang pag-ibig ano? Nagbibigay kaguluhan at di pagkakaisa.

Baka nga ang pag-ibig na din ang papatay sa atin.

Ang mga trahedya sa mga katha ni Shakespeare tungkol sa pag-ibig?

Naisip mo na ba na kahit kaylan hindi mo maituturo ang pag-ibig?

Namuni-muni mo na ba na dahil sa pag-ibig nawawalan tayo ng kalayaan?

Sumagi na ba sa isip mo na minsan ang pag-ibig ay nagdadala sa kahirapan? halimbawa na lang, sa pag-ibig ng lalaki, inilayo nito ang mayamang babae sa kanyang magulang at dinala sa eskwater para masarili nila ang isa’t isa. Dahil sa pag-ibig sa bayan, kaya nabaon sa utang. Dahil sa pag-ibig, ipinangholdap ang inang maysakit.

Napanood mo na ba yung pelikula nina Antonio Banderas at Angelina Jolie na “Original Sin” na ang puno’t dulo ng lahat ay ang pag-ibig?

Naniniwala ka ba na ang pag-ibig ay walang kakuntentuhan? Masasabi mo pa bang dapat maging kuntento tayo gayong tayo ay umiibig o iniibig?

Alam mo ba na ang pag-ibig minsan ay nakakapagpahina sa atin at isa sa dahilan para di tayo umunlad?

May pag-ibig pa nga ba sa panahong taghirap?

Ang pag-ibig ay pansamantalang kalokohan – Captain Corelli’s Mandolin

Alam mo ba na ang pag-ibig ang naghihiwalay sa marunong at mangmang?Sabi nga ni Bacon, “Imposibleng umibig at maging marunong”

Narito ang isang Kemikal na basehan ng “Pag-ibig”,

Dito mo makikita na ang pag-ibig ay mula sa utak kung saan siya ang nagdidikta sa pisikal na sistema ng tao. Ikino-coordinate ng utak ang naiisip mong “pag-ibig” sa sistema mo kung saan sangkot ang mga kemikal na aspeto ng iyong katawan tulad ng pheromones, dopamine, norepinephrine, ar serotenin na parang droga na di na nalalayo sa “shabu”, “marijuana”, “ecstacy”, at iba pang “pampatama”. Kaya nga minsan nasasabing, “May tama ako sa yo!”. Ngayon, nakukuha mo na?,..

Ang pag-ibig ay isang instrumento na nasa iyo kung paano gagamitin.

Sumagi na ba sa isip mo na ang pag-ibig ay isa sa “bug” ng sangkatauhan?

Ang pag-ibig ay pwedeng maging batas ngunit ang batas ay di pwedeng maging pag-ibig.

Alam mo ba kung ano ang nagpapamundo sa mundong ito? yan ay ang “Pag-ibig?

Haay, ang pag-ibig nga naman…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: