Skip navigation

Pagdadagdag?,

Pagbabawas?,

Pagpaparami?,

Paghahati?..

sa mga nabanggit kong operasyon ano ang pumapasok sa isip mo?

O ibahin ko ang termino,

Addition?,

Subtraction,?

Multiplication?,

Division?..

pamilyar ba?

Oo, Matematika ang tinutukoy ko.

Maaaring nabanggit ko pa lang ang “Matematika” ay tinatamad ka ng magbasa nitong aking katha. Oo, maging ako at ito ay aking kinamumuhian, pero noon yun! Sabihin mo naman, sa lahat naman ng didiskasyunin bakit ang “Matematika” pa?( anak ng tupang, asignaturang yan oh) Hindi ko yan maialis sayo, halos karamihan kasi ganyan.

Pero sa saglit na sabihin ko ang “kapangyarihan”, di ba gusto mong taglayin ito?
E halimbawa, sabihin ko sa iyong,

Matematika = Kapangyarihan.

Bakit ko nasabi?

Haha, masyado pa atang maaga para ibunyag ko ang sikretong itinatago ng hinayupak na matematikang iyan. Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa at dadako ka sa pinakamaliwanag na parte ng paglalahad kong ito.

Bago mo ituloy ang pagbabasa nito, tumingin ka muna sa paligid mo at luminga linga ka, pansinin mo ang mga bagay na nakapaligid sa iyo. Halimbawa na lang kung saan mo ito binabasa na maaring sa computer, sa cellphone, o sa kahit anong “device” na nakakakunekta sa internet. Iilan lang ang mga iyan sa produkto ng Matematika. Kung lilibot ka pa sa iyong kapaligiran makikita mo lalo ang kapangyarihan sa likod nito mula sa tulay, pagbabalanse ng mga chekbuks, kalkulasyon ng mga bagay-bagay, kung paano mananalo sa lotto at marami pang iba.

Kung iyong matutunghayan, dahil sa matematika, dito nagmula ang kalikasan ng katotohanan o ang sinasabing “nature of truth”, na nagbunsod na din para hanapin ang Diyos sa presensya ng katotohan. Para na din hanapin at magkaron ng “liwanag” sa kadiliman ng ating mga kaisipan.

Alam mo ba na ang Matematika ay may kinalaman sa malalalim na ideyang pilosopikal o “deep philosophical ideas” sa pundasyon ng ating sosyedad o “society”?

O Nakakalito ba? Hayaan mo alisin ko ang mga pagkakabuhol-buhol (knots) sa utak mo.

Hinahanap mo ba ang katotohan? Oo, ganyan din ang iba, at halos lahat ng tao sa buong mundo. Yan ang sentral na aktibidad ng tao.
Ang pagsabog ng mga impormasyon sa ating isip ang bumubulag sa atin para makita ang katotohan sa paglalaban ng mga katunayan at pilosopiya.

Isa lang ang matematika sa nagbibigay kasagutan sa katotohanan, sa sangkalawakan, kaguluhan, sosyal na problema, Intelektwal na kakayanan(IQ) at marami pang iba.

Pinalakas ng Matematika ang “common sense”, “logic”, “instinct”, “vibrations”, “natural stupidity” na nagtatanghal dito bilang mas epektibong kasangkapan ng paghahanap ng katotohanan.

Mula sa pagpapalinaw ng malalayong tanawin, pagpapalaki ng maliit na bagay at pagpapalinaw ng mga malalabong paningin ay ginawang posible ng Matematika na ginawan ng aplikasyon tulad ng teleskopyo, lens at mikroskopyo. Ito ay ilan lang sa rebelasyon ng entity na ito.

Sa pamamagitan nito nakita ang mga “invisible” na palatandaan at kuneksyon tulad ng impeksyong HIV, mga bagong “matter” tulad ng quarks, dark matter, antimatter na dati ay lingid sa atin. E sa palagay mo, pagnahukay ka pa ng malalim-lalim sa buhay na ito gamit ang “Math” bilang “pala”(shovel) ano pa kaya ang maiiahon mo?..

Alam mo bang ang reyna ng Siyensya ay ang “Matematika”? Sabi nga ng pisikong si Richard Feynman, “Ang siyensya ay ang napakahabang kasaysayan ng pagkakatuto kung paano natin hindi lolokohin ang ating sarili”. E ano ba ang ginagamit natin sa Siyensya?di ba Math?

Naaalala mo pa ba ang mga nabasa mo sa post ko, Akala Mo Ba Ganun Sila Kagaling, May Himala Nga ba? at tsaka yung An Outlook of A Computer Science Student? siguro ngayon medyo naliliwanagan ka na.

Sabi ni Sir James Jean, “Ang arkitekto ng Sangkalawakan ngayon ay nagsisimula ng lumabas bilang isang purong Matematisyan”, anong ang nais ipahiwatig sa iyo nito?..

Alam mo ba sa totoo hindi naman lahat ng tao ay alam ito, masuwerte ka, kasi sila yung mga taong nagpaloloko sa paligid nila, mga ignorante! Halimbawa, Hindi ka naman nakakita ng bundok na gumagalaw o bulaklak na tumubo at namukadkad(bloom) pero alam mo na minsan ang bundok ay nasa ilalim ng dagat at ang bulaklak ay nagsimula sa buto. Nakita mo ba ang presensya ng Matematika dito?

Eto pa ang ang sabi ng astro pisikong si Joel Primack, “Matutunan nating tanggapin ang buong kalawakan bilang modelo. ” kung saan natutunan natin ang mga bagay bagay.

Isa pang pagbubunyag, palagay mo inimbento ba ang matematika?saan ba ito galing? Sabi ng mga kosmologo ang sangkalawan mismo.

Tingnan mo nga naman kung paano hinubog ng matematika ang tao, halos ang sistema ng numero ay ginagamit sa buong mundo at maging sangkalawakan kahit pa ang mga “alien” siguro.

Ano nga ba ang nasa likod ng Matematikang ito?

Eto pa, nung bata ka di mo alam ang addition pero gusto mo maraming napapadagdag sayo.

Bakit nalulungkot ka pag may nababawas sa iyo kung may probabilidad na mawala talaga siya sa iyo?

Alam mo bang ay Math ay “given” na, nasa iyo lang kung gagamitin mo?

Isa pa, alam mo ba kung ano ang nagpapanatili sa yo sa mundong ito?

Equilibrium kapatid!, nagpisika(physics) ka ba?..ito ay ang balanse! Pag-aralan mo kung gusto mong malaman. Kung ba ga sa Matematika ay both sides must be equal to zero. Para bang ang lakas ng humihila ay pantay sa tumutulak.

Alam mo bang maging sa mundo, equilibrium ang nagpapanatili mula sa pagkagunaw nito.

Isa lang si Pareng Galileo Galilei, sa mga nagpatunay nito!!,..

Ano interesado ka na ba sa “Matematika”?,…

Siguro naman ikaw na ang didiskubre ng iba pa,.. sobra ka na!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: