Skip navigation

For World Domination or Being A Dominion?

Pagtinanong kita tungkol sa kalagayan ng Pilipinas ano ang masasabi mo?

Ipinagmamalaki mo ba na Filipino ka o ikinakahiya mo ito?

Ano ba ang tingin mo sa Pilipinas?

Gumagawa ka ba ng paraan para sa ikaaangat nito o sa lalong ikalulubog nito?

Inaanyayahan kitang basahin ang aking maikling paglalahad at pumili na din sa tanong na kung di mo man ngayon sagutin o masagot ito ay magiging resulta na din ng iyong mga ginagawa kumbinasyon na din sa ibang katulad mo batid man nila ito o hindi.

Hayaan mong itampok ko muna sa iyo ang kasaysayan ng Pilipinas bago tayo dumako sa pinakapunto ng paglalahad kong ito.

Napakatagal ng panahon simula ng madiskubre ng mundo ang Pilipinas at napakasaklap pa ng pagkakakilala dito. ( pangalan pa lang, “Philip-pinas”)

Kung maaalala mo pa nga sa asignaturang “Kasaysayan” (Histgov, Hekasi, Philhis, at marami pang bariyeysyon), pinangalanan ng kumag na si Villalo(Bo)bos ang Pilipinas ayon sa kanyang hari na di naman nila pag-aari ang lupaing ito kung saan may mga tao na at meron ng pamumuno sa lugar.

Di nagtagal ang pangalang Pilipinas ay nagbago(na tunay na bobo pa rin), “Republika Filipina” sa kasagsagan ng Rebolusyon dito, mula sa away Espanya at Amerika hanggang sa Komonwelt kinilala tayo ngunit hanggang ngayon Philip-pinas.

Matanong kita, gusto mo bang ipangalan kita sa aso ko?

Kung kaya mo bang pangalanan ang sarili mo hahayaan mo pa bang pangalanan kita?

Ipagpalagay na natin na kapangalan mo na ang aso, magpapakaaso ka ba?

Hindi na nakakapagtaka kung bakit ganito ang Pilipinas. Simula pa lang ang pangit na. Ayos na ba sa iyo ang kalagayang ito?

Gumagawa ka ba naman para sa ikakaganda nito?

Isang bansa na walang alam kundi drama at showbiz!

Protesta ng protesta, mahina naman!

Isang bansang asa na lang lagi kay “Bro”.

Isang bansa na sunod sunuran lang sa iba!

Isang bansa na umaasa lang sa iba ang masaklap pa walang pagkakakilanlan.

Isang bansang palagay na lamang sa napapanood sa TV na nakakapagsaya sa kanila.

Isang bansang gaya-gaya!

Isipin mo na lang na ikaw ay ang Pilipinas, hindi ito isang bansa at ito’y isang indibidwal lamang tulad mo, ayos lang bang makitang ganyan ka sa kalagayan mo ngayon?

Sabihin na nating malakas ka at marami ang mahihina ngunit sumasailalim kayo sa iisang paglalarawan ano kaya ang itatanghal sa inyo?

Malakas?

Oo, ikaw!

E sila?

Sinu bang mas marami!?

Ang katulad mong malakas o ang katulad nilang mahina?

Tinutulungan mo bang maging malakas ang mahihinang kasama mo para ituring kayong malakas?

Tapos ayaw mong tatawaging kayong “bobo”, “mahina” o kaya naman lahat ng ayaw mo itawag sa inyo e yun ang nakakarami eh?!

Imulat mo naman ang mata mo!

Ikaw kaya ang nagpapamukha kung ano kayo kasi parte “ka” nung “kayo”? Kaya kung mas marami sa “inyo” ang mahina at parte “ka” nitong “inyo” ngunit malakas ka, ewan ko lang kung anong ituturing sa inyo!

Wag ka nang magtaka kung bakit may naalis sa inyo(parang Pilipinas) kasi mahina kayo.

Saan ka ba sasama?

Mahirap ka na nga di ka pa gumagawa para makaalis ka sa kahirapan, paano ka na? Tapos maninisi ka pa? Ginawa mo ba muna ang parte mo?

Tapos maggagalit ka pag may nagsabi sayong “puta” o whore ka? O kaya naman “katulong?

Sinu bang may sabing mahina ang “Pilipinas”? O baka naman mismo ang Pilipinas na ang nagsasabing mahina siya?

Saan ba nagsisimula ang malakas?O sabihin nating mahina ka, paano ka ba lalakas kung hindi ka nagpapalakas at nagpapaiwang mahina?

Baka naman umaasa ka la magpapalakas sa iyo para maituring kang malakas din?

E paano na kung humina ang nagpapalakas sa iyo? E di mahina ka na, dito ka naasa e tsaka mahina ka din.

Maano man ang sagot mo sa nauna ko mga tanong, eto ang dapat mong sagutin ngayon pa lang habang may pagpipilian ka,

Nais mo bang sumailalim o magpasailalim?

Ngunit hindi pa diyan nagtatapos ang katanungan ko,

Kung ayaw mo ang sumailalim? Malakas ka ba para umayaw?

Itinatanong mo pa ba kung bakit may korapsyon?

May mga “Maguindanao Massacre”?

Bakit talamak ang droga sa Pilipinas?

Bakit may “ZTE Scandal”?

Bakit may mayaman?

Bakit malakas ang impluwensya ng media?

Bakit sikat si Rizal?

Bakit ang tibay ni GMA?

Eto lang ang sagot,

Kung di malakas e marami

kaya kung malakas ka at mas marami ang malakas sa iyo, durog ka!

at kung marami kayo at mahina naman, durog pa din kayo!

Kung gusto mong magtanong kung bakit, siguraduhin mong malakas ka para maghanap ng kasagutan at kung ayaw mong magtanong, sumunod ka na lang!

Ang madurog? o dumurog? Ang mamatay? o mabuhay?

Ang pagpili lang naman ay tulad ng buhay mo kung paano ka makikipaglaban para mabuhay o mas kilala bilang “survival”.Kaya kung di ka nakikipaglaban para dito,

“Isa kang patay na humihinga!”

Filipinos must dominate upon this world!

Were strong! Were many!

Magugulantang na lang sila!

Kung pinoy ka, simulan mo nang maging malakas para sa Pilipinas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: