Skip navigation

O, Kaligayahan!?

Ano nga ba ang kaligayahan?

Matanong nga kita, bakit ka ba maligaya?

Ano ba ang nagpapaligaya sa yo?

Ang kaligayahan ay nasa isang tao kung paano niya ito ituring o nadadama,.

Ayokong sirain ang kaligayahan nyo ngunit wala naman talagang kaligayahan sa mundo ito ang katauhan lang naman nito ang nagbibigay o nagpupuno ng kaligayahan o kasiyahan..Lahat ay nagsimula sa wala,.

Ito ang isa sa mga sikreto ng mundo,.Kaya wag ka ng magtaka kung bakit maligaya ang isang tao sa mga pangyayari gayung ikaw ay hindi.

O wag kang malungkot kapatid, wala rin namang kalungkutan…Sinasabi ko sayo malulungkot ka lang pag-iniisip mo ang mga bagay na nagpapaligaya sayo lalo na ang kawalan nito.

Isa pa, kung wala kang alam sa kaligayahan palagay mo magiging masaya ka? malungkot ka kaya?

Sabi nga ni Abe Lincoln,
“Karamihan sa tao ay maligaya sa kung paano nila gusting isipin ito”.

Tinatanong mo ba kung bakit minsan napapaiyak ka? hindi ito dulot ng kalungkutan o kasiyahan, ito ay dulot ng sistema mo, halimbawa na lang sa sobrang tuwa at sa sobrang sakit. Pero napansin mo ba ang “neutralidad” dito?

Hindi ba’t ikaw ang nagbibigay ng grabitasyon sa mga nararamdaman mo, nakikita, naririnig, at naamoy kung saan umaakto dito ang sistema mo ayon sa kakayahan at limitasyon nito?

Isipin mo na lang halimbawa sinaksak kita, tinanggalan ng mata, o kaya naman isipin mo na ang lahat ng brutal na pwedeng kong gawin sayo o kaya naman sa lahat ng minamahal mo,.masakit di ba? Nakakalungkot ano? Alam ba kung bakit?
Kasi nadoon ang pagdamdam mo dito. Parte kasi ito ng sistema mo. Ito ang bumubuo sa iyo.

Parang ganito, nasasaktan ka dahil hindi ka niya mahal kasi dinadamdam ng kaisipan mo (pumapatungkol sa mental) at namamaga ang sugat mo dahil sa sistemang “nervous” mo na nagsasabi ng may diperensya dito, ito yung “sakit” at para masulusyunan mo at din a lumala (physical injury).

Ganito na lang, alam mo ba kung paano nakakapangyari ang “amnesia” at “anesthesia”?

Naliligayahan ka ba pag nasasaktan, nagagalit, nalulungkot, nagtatampo at marami pang “negatibong “emosyon?

Sa totoo lang, dapat maging masaya ka kasi, sa pamamagitan nito nakakaramdam ka kahit hindi ito tunay. Nagiging tunay lang ito kasi sinasabi ng sistema mo na may depekto na nangyayari base sayo (pisikal) o kaya naman sa pinaniniwalaan mo(mental).

Isipin mo na lang ,.

Ano kaya kung wala kang nararamdaman?

Ano kaya kung di ka nasasaktan matapos kitang saksakin?

Ano kaya kung di ka napapansin ng nakapaligid sayo?

Haha…

Masasabi mo pa bang buhay ka?

Hindi ba para kang patay?

Palagay mo bakit may mga taong kaligayahan na ang di mo akalain? Sabihin mo naman ang babaw nila. Kasi sa kanila nakabase ang kaligayahan nila, maging ikaw.

Ano ba ang gusto mo tunay o hindi-tunay? Sa katunayan, walang tunay. Maging ang kaligayahan ay di tunay. Ngunit nasa iyo ang pagpapatotoo nito.

Hinahanap mo ba ang tunay na kaligayahan?
Ang tunay na kaligayahan ay hindi tunay!!

Ang masasabi ko lang hindi ito nakikita, ito ay ginagawa.

Simple lang naman ang kaligayahan ko,..

Masaktan at Matuwa,..Ang Mabuhay!! Matiwasay man o Magulo!!

Marami kasi sa atin di na maligaya,..

Sana ay napaligaya kita sa aking mga inihayag,.

Ang kanilang kaligayahan ay may dahilan….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: