Skip navigation

Problema, problema..
Puro na lang problema!!
problematic.jpg

Problema dito, problema doon!!..

Di ka na ba magkamayaw sa mga dinaranas mo ngayon?

man2.jpg

Sa sarili?

_41087271_stress203.jpg


Sa pamilya?

purestock_1574r-01626.medium.jpg

Sa pamayanan?

pic-03061141480102.jpg

Sa bansa?

end-poverty.jpg


Sa buong mundo?

planet_350.jpg

Samahan pa ng problema sa pag-ibig, pinansyal, problema ng kasama, pati yung di mo na problema na pinoproblema mo,..

money.jpg

HaAaY…

isang malalim na buntong hininga, kapatid..

Hindi ka na ba makahinga dahil puro problema na lang nasasamyo at ihinihinga mo sa buhay na ito?

stressed-cat.jpg

O baka naman tinataguan mo ang problema?

Kaawa-awa ka namang nilalang,.malaking problema nga iyan.

stressed-out1.jpg

Matanong nga kita, ipinanganak ka na bang may problema?

stressed-baby.jpg

Alam mo ba kung bakit ka namomroblema?

Alam mo ba ang dahilan nito?

2448886296_ee9da95066.jpg

Hayaan mong sabihin ko sa iyo ang puno’t dulo ng tinamaan ng magaling, na hinayupak, na punyetang problemang iyan sa pagkakataong nabasa mo ang paglalahad kong ito..

Alam mo ba kung sinong kaunaunahang dapat sisisihin sa pamomroblema mong iyan?

hand%20pointing.jpg

Ikaw!!

Bakit?

Kasi pinoproblema mo eh..

“Ang problema ay di magiging problema kung di mo ito poproblemahin”

kitams?

stressed-out.jpg

Pinoproblema ka ba ng problema na pinoproblema mo?(kung maaari nga ay pasagutin mo siya…)

Katulad mo ba siya?

Sino ba ang nagbibigay ng katuturan sa mga pinoproblema mo? Sila ba?

Hindi ba ikaw yun mismo?(Meron pa bang iba?)

Nagtataka ka ba kung bakit yung iba namomroblema ng malaki sa isang bagay tapos ang turing mo na naman sa bagay na ito ay isang malaking kalokohan?

belittle.jpg

O kaya naman, sa iyo, kawalan ang isang bagay na yon tapos sa iba hindi?

Alam mo ba kung bakit?

Tayo lang naman ang gumagawa ng problema natin!

Tapos pag may problema ka Diyos ang nilalapitan mo, e sino bang may gawa niyan!!

silhouette-of-woman-praying.jpg

Sabihin na nating may Diyos, e kung sa kanya eh ginawa kang wala kang problema,..tapos ikaw naman ang namomroblema sa sarili mo, gumising ka naman!

Otterness,%20Wealthy%20Man,%201997,%20etching,%20edition%20of%2040,%20%28email%29.jpg

Ang mayaman may problema,..(mas malaki ang pinoproblema ng mga ito,. tsk. tsk. tsk.)

187-02-beggar-in-manila.jpg

indian_poor.jpg

ang mahirap meron din..(ang masasabi ko lang kahit makaahon ka sa kahirapang iniisip mo may proproblema ka pa ring kakaharapin, maghihirap ka pa rin sa problema mo)

ang gwapo(ako yun, haha) at maganda may problema (di na ako yun)..(sabi nga nila ang hirap daw maging gwapo, kala lang nila masarap maging ganun,..hay naku, kung alam lang nila, mas nanaisin nilang maging pangkaraniwang lalake(danas ko yun,..haha)ang pagiging magandang lalake.)

real-ugly-face.jpg

ang pangit meron din (kung paano pagagandahin ang mukha, retoke dito, patanggal doon, pabawas dito, padagdag nuon
baka hindi sila magustuhan ng natitipuhan)..

geek.jpg

ang matalino nga meron din..(“paano pa kaya sila magkaka-alam”, “paano kaya ako mas tatalino pa”, padadaliin ang mga bagay-bagay, etc..)

human3dbody.jpg

Ang mortal may problema,.(“paano pa kaya hahaba ang buhay ko”, “i want to be with her forever”, eksperimento dito, pagtuklas doon, gamot dito, gamot doon, “how can i achieve immortality?”)

ang imortal meron din..(Hindi kaya sila napapagod mabuhay magpakailanpaman?, “hindi nila naranasang tumanda, masaktan, ang sarap sigurong maging mortal”)

tumblr_kpxy0smnXW1qz9bwro1_500.jpg

Sabi nila lahat daw tayo may kanya-kanyang problema,.ang masasabi ko naman, “Oo kung aangkinin mo ang problema magkakaron nga tayo ng kanya-kanya”,..

Problema lang naman ang hindi namomroblema eh!

Bakit?

kasi walang buhay ito, at ito’y binigbigyang buhay lamang..at iyon na nga eh ni ako!, ni ikaw!, ni sila!, tayo o natin!

Hindi natin masisisi ang mga sarili nating mamroblema, alam mo ba kung bakit?

Bata pa man tayo ay tinuruan na tayong mamroblema,..

Sa bahay,
(magulang)

scolding1.jpg

O anak, tumulong ka naman sa amin, puro na lang pasakit at problema ang dinadala mo!

Sa iskul,
(Teacher, Prof)

ispc030015.jpg

O sauluhin ninyo ang steps in problem solving,.

1. Ano ang hinihingi?
2. Ano ang mga binigay(given)?
3. Ano ang operasyong gagamitin(add, minus, multiply o divide)?
4. Ano ang sagot?

“O Mr.Dela Cruz, nasagutan mo na ba ang prablem namber wan?”

“Yung thesis ko di pa gawa, OMG!!”

“Naku, wala pa kong assignment, problema to”

Yan kasing mga maestrang iyan… tsk. tsk. tsk.

Sa pamayanan,
(kapitan, mayor, gobernador)

“O yung tulay di pa napagagawa, paano ngayon tayo makakatawid sa kabilang ibayo, so problema natin ang transportasyon nyan.”

“Yung mga kanal barado!, may mga di pa ata napapagawa, problema yan pag bumaha.”

Sa bansa,

“Grabe na ang kurakot at korapsyon”

“Problema ang presidente eh”

“Paano kaya maiaahon ang bansang ito sa kahirapan”

poverty.jpg

“Mataas na ang presyo ng bilihin at mga pang-supply”

Sa mundo,

“Naku, may epidemyang kumakalat”

“Tinamaan ng kalamidad ang bansang _____________,”

“Namatay si _______”

“Magugunaw na ang mundo, paano kaya tayo makakaligtas”

end-of-the-world.jpg

Anong bang napansin mo sa mga problemang ito?..

Walang ka bang napuna sa mga bagay na pinoproblema mo? Habang pinoproblema mo ang mga ito?..

man-suffering-from-stress-at-work.jpg

Kundi lumalaki, dumarami minsan nga nanganganak pa,.

Isipin mo na lang ganito, gumawa ka ng isang bagay nasa inaakala mo ay perpekto at maganda na hindi ba’t hangga’t hindi ka nakapupuna ng problema sa ginawa mo ay hindi mo ito babaguhin?

yun lang naman ang proseso eh,.parang sa tao..

o_DarwinismOrIntelligentDesign.jpg

Pamomroblema sa di pa problema, Pagkalkula sa mga posibleng maging problema, paghahanap ng problema sa mga bagay-bagay,
ang di kakuntentuhan..

yellow_guy_crazy_hg_wht.gif

E ano pang katapusan ng problema kung ganyan?

hammer_opener_IMG_3966.jpg

Sabi nga “para kang kumuha ng martilyong ipinukpok sa ulo mo..”

Ipinapako mo lang ang sarili mo sa ginawa mong krus ng problema!!

Cross-with-Nail.jpg

Ang masahol pa dahil sa di makayanan ang problema, maraming nagpapakamatay..kung alam lang nila..e bakit ba hindi yung problema ang biktihin nila?laslasin nila, saksakin, lasunin!..yang problema talagang yan oh!..

suicide-by-hanging1.jpg

O ngayon namomroblema ka pa rin ba?

Ok lang yun!..

Ito lang ang tandaan mo,

“Ang pinakamabisang solusyon sa problema ay wag mong problemahin, dahil sa oras na naghanap ka ng iba pang solusyon, naghahanap ka lang ng panibagong problema na kailangan mong solusyunan.”..

40__thumb%20ok.jpg

May problema ba?..

breaking-free.jpg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: