Skip navigation

Bobo ka ba kung turingan nila?..

Minamahina ng animo’y malalakas na nilalang?..

Minamaliit ng sa palagay nila’y higante sila?..



Inaapak-apakan ng kala mo’y Diyos na naghaharian?..

Iniisang-tabi sa mundong ito na inaangkin ng sinuman?..

Dinudusta ka ba ng ganun na lamang na parang wala sa iyong pakialam?..



Palagay mo ba’y wala kang kalagyan?..na wala kang maibubuga?..na wala kang puwang sa katauhan mo?

Pwes, sa paglalahad kong ito ikaw ang bida. Nais kong baligtarin ang mundo para sa iyo. Imulat ang mata mo sa katotohanang pinagkakabulagan mo na akala mo’y nakikita mo na.

Mapalad ka sa pagkakapadpad mo sa paglalahad kong ito na binabasa mo ngayon. Sana’y makuha mo ang nais kong ipabatid sa pahayag kong ito.



Ituring mo na rin ito na “kalakasan” na ipagkakaloob mo sa sarili mo bunsod na din ng kahinaan mo.

Alam mo ba kung bakit?..

Ito ay dahil sa ito ay matagal ng nasa iyo ngunit ikaw na mismo sa sarili mo ang nagkakait, na inaakala mo na taglay mo na at nasa kasukdulan na.



Alam mo ako’y isang mahina rin na minsan ay naghanap ng ganito ngunit aking napagtanto na matagal ko na palang tinataglay ito.

Sabihin mo naman, “Anong kalokohan ito?”, hindi kita masisisi kung ganyan ang pumaimbabaw sa kaisipan mo dahil kapareho din kita nung unang sumaisip ko ito.

Hindi naman kita pinipilit na maniwala o ituloy ang pagbasa pa dito kung minamalakas mo ang sarili mo at inaakalang kabaliwan o kalokohan ang pinapaunawa ko. Mas maganda nga kung di mo ito mauunawaan. Hindi naman ako ang mawawalan.

Ang kaalaman at kapangyarihan ay para sa naghahanap at gustong taglayin ito ngunit ang pag-abot dito ay di basta-basta depende na rin sa kaurian nito…

Mabalik tayo sa nauna kong mga katanungan,.

Hindi ba bobo ka?

O ngayon, sinu ba ang inaakala mong matalino o magaling?

Sa palagay mo sinu bang naging basehan ng kagalingan at katalinuhan nila? Ang mga sarili nila? Hindi ba’t ang mga katulad mo?..

Hindi ba dahil sa mga bobong katulad mo nalaman nilang nakaaangat daw sila?..may naloloko sila?…may pinagmulan sila?

Hindi ba minamahina nila tayo?

Alam mo bang dahil sa atin kaya nagkaron ng kwenta yang malalakas daw na iyan?

Palagay mo, saan ba naubra yang mga malalakas na yan, sa kapwa ba nila malalakas?

Huh!!..

Subukan mong pagtunggaliin ang parehong malakas, tingnan ko lang kung saan ang isa sa kanila tutungo.

Hindi ba sa katulad natin?

At saan ba sila nagsisimula?

Hindi ba sa pagiging “Mahina”?

Hindi porket mahina tayo, wala na tayong kakayahang lumakas kasi ang mahihina ang nagpapalakas sa malalakas. Marami ng patunay dito na di ko na siguro kaylangang isa-isahin ang masasabi ko lang nasa iyo na lang ang pagsasatunay nito.



Naramdaman mo na bang maliitin?sa sarili mo?

Siguro naman pamilyar ka sa kasabihang,

“Walang malaking nakapupuwing”
at alam mo na din kung bakit.

Sa mga bagay-bagay, napansin mo ba ang aplikasyon nito?

Halimbawa, ang mga malalaking pagkakadiskubre sa ating henerasyon ay dulot ng maliliit na impormasyon mula sa lumipas na mga henerasyon.



Ang atom ay binubuo ng maliliit na partikulo na binubuo pa rin ng maliit na mekanismo.

Alam mo bang dahil sa ang malalaking bagay ay binubuo ng maliliit, mas pinagtutuunan ito kaysa malalaki dahil parang kinontrol na din ang malalaking parte nito at sa kadahilanang malaki ang ginagampanan ng MALILIIT na ito sa NAGLALAKIhang iyon?

Sa eleksyon sa palagay mo sinung pinagtutuunan ng mga pulitiko?
Ang malalaking tao?

Yun ang akala mo!!

Ang tinartarget nila ay ang nagraramihang maliliit na tao sa likod ng malalaking taong ito.

At sa palagay mo sinu bang mas nakakarami? sinung mas pinapaburan ng eleksyon?



O kulang pa ba ang ibinigay kong halimbawa?..Siguro naman hindi na lingid sayo ang iba,..

Ramdam mo bang inaapakan ka?ang iyong dangal? ang iyong pagkatao?ang iyong kabuuan?

Naisip mo na ba paano na ang mga umaapak sa iyo kung wala ka? Hindi kaya sila mahulog sa kawalan?

Paano na sila kung sa iyo sila nakadepende?

Ano ba ang tingin mo sa mga basurero, trabahador, maglalako, magsasaka, mangingisda at janitor?



Minamababa mo sila?

Alam mo bang hindi lang dahil sa marangal ang trabaho ang dahilan kung bakit dapat mo silang tingalain?

Isipin mo na lang ang kawalan nila? Gagawin mo ba ang ginagawa nila ng walang dire-dire? tapos dinudusta mo sila?

May diskriminasyon ba sa yo?

Alam mo bang dahil sa diskriminasyon milyun-milyon na ang namatay at maaari pang mamatay? na hindi lang dahil sa kaurian sa pag-iisip, sa balat, sa itsura, at marami pang iba?

Sa palagay mo ba’y wala kang kalagyan sa mundong ito na wala kang puwang?

Eto lang ang masasabi ko, ang kinalalagyan mo ay ang sarili mo at kung iniisip mo na wala kang puwang, bakit di ka gumawa ng puwang para sa sarili mo o puwangan mo ang iniiisip nila tungkol sa iyo.



Kung wala kang maibubuga, bakit di ka gumawa ng paraan para may maibuga ka?

Nais ko sanang iwanan ito sayo kapatid,.

“Nanghihina ka ba?
Maging kalakasan mo sana ako!!”,
yan ang sabi sakin ng kahinaan ko.

Baka yan din ang ibinubulong sayo ng kahinaan mo ayaw mo lang pakinggan dahil bingi ka na sa nagsusumigaw mong kalakasan.

Maalala mo sana ang linyang ito,..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: