Skip navigation

Sinu-sino at anu-ano nga ba ang bumubuo, bubuo at nabuo sa akin?

Nagtataka ka ba kung bakit ako ganito?Kung bakit ganun na lamang ang aking mga pahayag at inilalahad maging ang aking mga kinikilos?

Oo, ako..na iyong nababasa, ako na iyong nakikita, ako na iyong napapakinig…ako na hindi parte mo!

Alam mo ba ang dahilan?..

Ang dahilan ko ay IKAW!!

Ikaw, na laging humahamak sa akin..

Ikaw na pilit pumapaimbabaw!..

Ikaw na ayaw magbigay ng puwang sa akin!..

Alam mo ba na sa iyo ako nagbabase nasa akin ko inaakto?

Naaalala mo pa ba ang mga sakit na naidulot mo?

Ang mga latay ng palo na bumabakat sa bawat haplit ng sinturon mo san man ng parte ng katawan ko tumama?

Sa bawat langgam na kumagat sa aking paanan kung saan iginapos mo ako?

Sa oras na lumilipas habang ako’y nakaluhod sa asin na iyong kinalat sa sahig?

Ang pambubusal mo sa aking bibig na nais umimik at gustong marinig mo?

Naaalala mo pa ba kung paano mo ako pinarurusahan?

Ang mundo mong ginawa kung saan ako ngayo’y nakakulong at di makaalpas?

Alam mo bang ikaw ang pumukaw sa aking damdamin. Sa bawat tamis at pait mong naidudulot.

Bakit ba di kita magapi?

Bakit ba di tayo magkasundo?

Nakanino ba ang problema kung ganun?

Nasa iyo o nasa akin ang problema?

Sino ba ang dapat masunod?

Pwedeng bang ako at di ikaw?at bakit kung hindi ako bakit di ka pwede?


Bakit ba di mo ko matanggap?
Maging ikaw ay di ko rin makuhang tanggapin?

Hindi mo ako maintindihan ngunit bakit gusto mong intindihin kita?

Kung sinasabi mong makasarili ako bakit ang sarili mong kagustuhan ang gusto mong masunod?

Alam mo bang nabubuhay din ako?



Kung ikaw ay may lugar sa mundong ito bakit ayaw mo kong magkaroon?

Hindi ba’t maganda ang tingin mo sa sarili mo bakit ako ay pangit sayo?

Alam mo bang ang pagbabago ko ay nagsisimula sa hindi mo pagbabago?

Kinamumuhian mo ba ako, maalala mo sanang ako ang nagbibigay kaibahan sa kinagugustuhan mo at kaparehuhan sa kinapopootan mo.

Kung may kakayahan akong gawin ang mali hindi ba’t may kakayahan din akong gawin ang tama ngunit bakit hindi mo matanggap na kung ako ay nakagagawa ng tama may kakayahan akong gumawa ng mali na pwede ko ding gawin?

Bakit ba “ako” kung pwedeng “ikaw” at kung pwedeng ” ikaw”, bakit di pwedeng “ako”?

At kung ” ikaw” lang , bakit di pwedeng “ako” lang? gayong ikaw ay isa ring “ako” at “ikaw” ay ako sayo?

Gusto kitang paniwalain kaya lang nasa iyo ang pagtitiwala sa akin,.kaya maging anu man ang paniwalaan mo nasa sa iyo yun..

2 Comments

    • jezreel dela cruz
    • Posted October 28, 2011 at 11:33 am
    • Permalink
    • Reply

    ang galing mo nmn otor….you captured my emotions… keep it up..🙂

  1. ganda nang pagka gawa parang kilala mo ako hahahahahahaha…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: